Naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Ramon Police Station at Banaybanay Municipal Police Station ng Davao Oriental Police Provincial Office ang isang lalaking kabilang sa mga Most Wanted Person sa Davao Oriental kaugnay ng kasong Frustrated Murder.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Jeric,” 41-anyos, may asawa, self-employed, at residente ng Purok 6, Barangay General Aguinaldo, Ramon, Isabela. Siya ay nakatala bilang ika-5 Provincial Most Wanted Person ng Davao Oriental PPO sa ilalim ng Police Regional Office 11.
Isinagawa ang pag-aresto bandang alas-6:00 ng gabi nitong Hunyo 19, 2026 sa kanyang tirahan sa Barangay General Aguinaldo sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 32 sa Lupon, Davao Oriental noong Disyembre 13, 2022.
May nakatakdang piyansang nagkakahalaga ng ₱200,000 para sa naturang kaso.
Matapos arestuhin, ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatan alinsunod sa Miranda Doctrine bago dinala sa Ramon Police Station para sa kaukulang proseso at paghahanda sa kanyang pagharap sa korte.











