--Ads--

Nanawagan ang isang law professor sa publiko na maging mahinahon at mapagmasid habang isinasagawa ang “confirmation of charges” hearing ng International Criminal Court (ICC) laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng kasong crimes against humanity.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Atty. Randy Arreola na makikita sa ipinapakitang ebidensya ng prosekusyon, kabilang ang mga video clips, na pinayagan umano ni Duterte ang pagpatay sa mga drug addict at pushers.

Ayon kay Arreola, sinasabi naman ng depensa ni Duterte na taken out of context ang mga video at ginamit lamang ito upang pigilan ang kriminal na aktibidad at ipakita ang kanyang imahe sa mga botante.

Hiwalay rito, nilinaw ni Arreola na may karapatan si Duterte na hindi personal na dumalo sa hearing at binigyan niya ng awtoridad ang kanyang abogado upang humarap sa mga akusasyon sa kanyang ngalan.

--Ads--

Idinawit din ang pangalan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang ipakita na politically motivated ang kaso.

Tungkol naman sa mga kaso nina Sen. Ronald dela Rosa at Sen. Bong Go, posibleng maisama sila sa imbestigasyon at maglalabas ang ICC ng warrant of arrest sa tamang panahon. Sa ngayon, ayon kay Arreola, tama ang payo ni Sara Duterte na maghanap ng sariling abogado upang mapaghandaan ang posibleng aksyon ng ICC.