--Ads--

Nagsagawa ng aktibidad ang Barangay District 1 Cauayan City bilang bahagi ng Child Abuse Awareness Week.

Ayon kay Punong Barangay Mark De Joya, naging katuwang sa ginawang information drive at symposium ang iba’t ibang grupo kabilang ang kabataan, mga purok leaders, at PNP.

Aniya, ang aktibidad ay bahagi rin ng kanilang Gender and Development program kung saan anumang kaso ng VAWC o Violence Against Women and their Children ay agad na naipaparating sa CSWD o City Social Welfare and Development.

Para kay Kapitan De Joya, malaking tulong ang mga information drive o lectures para sa mga kabataan lalo na’t madalas silang nabibiktima ng iba’t ibang modus sa pamamagitan ng social media.

--Ads--

Maliban dito, nagkaroon din ng information drive sa pangunguna ng PNP-EOD unit katuwang ang mga junk shop owners upang mabigyan sila ng tamang kaalaman sa pangangalakal at maiwasan ang anumang insidente, partikular ang aksidenteng pagsabog ng mga bomba o vintage bombs na madalas mahukay at ibenta sa junk shops.