CAUAYAN CITY – Isang mapalad na letter sender na lumahok sa “Dear Nanay a Kahapon Lamang Mother’s Day Special” ang mapalad na napili at na feature sa palatuntunang Good Morning Philippines ang tumanggap ng special Mother’s Day treat mula sa Bombo Radyo Cauayan.
Ang liham na ipinadala ni Ginoong Wenceslao Magaway ang siyang napili at naifeature sa palatuntunan dahil sa kanilang inspiring story.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Magaway sinabi niya na naisipan niyang sumulat at mag entry para sa “Dear Nanay a Kahapon Lamang Mother’s Day Special” para maibahagi ang kwento ng sakripisyo, pagmamahal, kadakilaan at pag-aaruga ng kaniyang ina na si Ginang Faustina Magaway.
Hindi naging biro para kay Ginang Magaway ang pagtataguyod sa pag-aaral ng kaniyang mga anak kung saan sumabak siya sa iba’t ibang uri ng trabaho gaya ng pag aararo sa bukid na naging patunay na kung ano ang kaya ng mga Lalake ay kaya ding gawin ng kababaihan.
Dahil dito ay walang mapagsidlan ang paghanga ni Ginoong Magaway para sa kaniyang Ina na naging inspirasyon niya para masumikap din sa buhay at hindi maranasan ang hirap ng buhay na dinanas ng kaniyang mga Magulang.
Bilang pakikiisa ng Bombo Radyo Cauayan sa araw ng mga Ina ipinagkaloob kay Ginang Faustina Magaway ang Mother’s Day gift certificate mula sa Reflexion Salon and Barber shop, boquet of roses, limited edition Bombo Radyo Transistor Radio at Certificate of Appreciation.