--Ads--

Tinamaan ng panibagong serye ng airstrikes ng Israel ang ilang bahagi ng Tehran, Iran sa nagpapatuloy na digmaan.

Ayon sa pahayag ng kinatawan ng Iran sa United Nations, umabot na sa mahigit 1,300 sibilyan ang nasawi habang halos 9,669 na civilian sites ang nawasak sa buong bansa mula nang magsimula ang opensiba noong Pebrero 28.

Kabilang sa mga tinamaan ng mga pambobomba ang libu-libong residential houses, daan-daang commercial establishments, mga paaralan, medical facilities, at ilang gusali ng Red Crescent.

Iniulat din na matinding pagsabog ang naganap sa ilang fuel storage facility at oil depot sa Tehran, na nagdulot ng malalaking sunog at paglabas ng mapanganib na usok na maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng mga residente.

--Ads--

Samantala, nagpapatuloy ang mga pag-atake sa rehiyon habang tumitindi ang tensyon sa Gitnang Silangan, na nagdudulot ng pangamba sa posibleng paglawak pa ng digmaan sa mga karatig-bansa.