--Ads--

Ipinahayag ni US President Donald Trump na nahaharap umano sa matinding financial crisis ang Iran at nalulugi ito ng humigit-kumulang 500 milyong dolyar kada araw, kasabay ng patuloy na tensyon sa Strait of Hormuz.

Ayon kay Trump, nais umano ng Tehran na agad muling buksan ang nasabing makitid na daluyan ng langis at kalakalan sa gitna ng lumalalang pressure sa kanilang ekonomiya.

Dagdag pa niya, humihina na umano ang kakayahan ng Iran na tustusan ang suweldo ng kanilang military at police, na nagpapakita ng lumalalang sitwasyon sa loob ng bansa.

Wala pang opisyal na tugon ang Iran hinggil sa naturang pahayag, habang patuloy namang binabantayan ng mga internasyonal na observer ang sitwasyon sa Strait of Hormuz dahil sa epekto nito sa pandaigdigang presyo ng langis at seguridad sa suplay ng enerhiya.

--Ads--