Maaaring magsilbing tulong ngunit may kaakibat na panganib ang ipinatupad na loan relief ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ayon sa S&P Global Ratings.
Kabilang sa mga hakbang ang pagbibigay ng hanggang anim na buwang palugit sa pagbabayad ng utang at pansamantalang hindi pag-classify ng ilang loans bilang non-performing upang matulungan ang mga apektadong borrower.
Layunin ng mga polisiya na maiwasan ang biglaang pagtaas ng bad loans sa gitna ng epekto ng oil shock dulot ng tensyon sa Middle East.
Gayunman, sinabi ng S&P na maaaring maapektuhan ang kita ng mga bangko dahil sa pagkaantala ng loan repayments at pagbaba ng interest income.
Sa kabila nito, nananatiling manageable ang epekto sa sektor ng pagbabangko, bagama’t may babala sa posibleng epekto ng mataas na presyo ng langis sa kakayahang magbayad ng mga borrower.











