Inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ire-review ang mungkahing pansamantalang taas-pasahe sa pampasaherong jeep, bus, at van matapos na tumaas nang higit sa inaasahan ang presyo ng petrolyo.
Ayon kay Chairman Vigor Mendoza, ang naunang rekomendasyon ay nakabase sa presyong P60 kada litro ng gasolina at diesel, ngunit kasalukuyang umaabot na sa P80 kada litro ang presyo sa mga gasolinahan sa ilang bahagi ng bansa.
Dahil dito, inaasahang tataas din ang operational costs ng mga transport group, na siyang pangunahing batayan sa pag-apruba ng fare adjustments.
Aniya, habang pinag-aaralan ang bagong proposed fare increase, nakikipag-ugnayan ang LTFRB sa mga transport group at kinukunsidera ang epekto nito sa mga pasahero, upang hindi maging pabigat sa budget ng mamamayan.
Dagdag pa niya, tinitingnan rin ng ahensya ang posibilidad ng fuel subsidies at iba pang mekanismo upang maibsan ang dagdag gastusin sa transportasyon.











