--Ads--

CAUAYAN CITY – Magsasagawa ang Land Transportation Office o LTO Cauayan ng Medical Caravan sa mga motorista sa darating na ikalabing apat ng Hulyo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay ginoong Deo Salud ang pinuno ng LTO Cauayan District Office, sinabi niyang bukas ang medical check up sa mga motorista ngunit puwede din umanong pumunta ang mga pribadong indibidwal.

Aniya ang nasabing health caravan ay hindi lamang para sa mga residente ng lunsod ng Cauayan kundi sa lahat ng may gusto.

Nagsama-sama umano ang mga klinikang pinagkukukunan ng mga medical clearance ng mga nagpaparehistro bilang tulong na rin sa mga motorista.

--Ads--

Wala na din umanong kailangang dalhin ang mga magpapa check-up basta’t magtungo lamang sila sa kanilang tanggapan.