--Ads--

CAUAYAN CITY- Dead on the spot ang isang 15-anyos, habang sugatan ang kaniyang ina na 30-anyos at kapatid na 8-anyos matapos na mahagip sila ng tumagilid na 10-wheeler truck na may kargang sako-sakong mais sa Capintalan, Carranglan, Nueva Ecija.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PEMS Vincent Castañeda ang Investigator ng Carranglan Municipal Police Station, sinabi niya naglalakad ang mag-iinang biktima na papunta sana sa Simbahan para magsimba ng mahagip at mabagsakan sila ng mga sako ng mais na karga ng tumagilid na 10-wheeler truck.

Dahil sa lubha ng pinsalang natamo ng mga biktima isa sa kanila partikular ang 15-anyos na lalaki ang agad na binawian ng buhay matapos na matanggalan ng ulo.

Batay umano sa driver ng truck nawalan ng preno ang sasakyan kaya nagdesisyon itong ibangga na lamang sa concrete barrier sa gilid ng daan ang truck subalit hindi umano niya nakita ang tatlong biktima.

--Ads--

Isinailalim naman sa pagsusuri ang driver at nakumpirma na hindi ito nakainom ng alak ng mangyari ang aksidente, na pag-alaman din na matagal ng biyahero ang  tsuper na residente pa ng San Pablo, Isabela.

Nakatakda naman nilang sampahan ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide at Multiple Physical Injury ang driver bukas sa pamamagitan ng regular filling.

Paalala naman niya sa mga motorista na hanggat maaari ay suriin ang sasakyan bago bumiyahe at maging maingat sa pagmamaneho  upang hindi masangkot sa aksidente.