--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakakulong na ang isang magsasaka sa Kasibu, Nueva Vizcaya matapos umano niyang gahasain ang sariling pamangkin sa burol ng kanilang kaanak na namatay.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Kasibu Police Station, ang biktima ay 35-anyos, isang PWD habang ang pinaghihinalaan ay 47-anyos, walang asawa, magsasaka at kapwa residente ng Kasibu, Nueva Vizcaya.

Sa imbestigasyon ng Kasibu Police Station, kasama ng biktima ang nakababata niyang kapatid nang isinumbong sa himpilan ng pulisya ang umanoy pangmomolestiya ng suspek sa bikrima.

Gagamit umano ng banyo ang biktima nang sinundan siya ng suspek at sapilitang dinala sa isang bakanteng silid.

--Ads--

Nagawa umanong gahasain ng suspek ang biktima nang hindi napansin ng iba pang kamag-anak dahil abala sa pag-uusap may kaugnayan sa namayapang mahal sa buhay.

Nasa pangangalaga na ng Kasibu Police Station ang pinaghihinalaan at nakahandang sampahan ng kaso ng kanilang mga kamag-anak.