--Ads--

Umabot sa mahigit 520,000 mga illegal firecrackers at pyrotechnics ang nakumpiska ng Phi­lippine National Police (PNP).

Ito naman ang ­sinabi ni PNP Public Information Office chief PBGen. Jean Fajardo kung saan nasa  P2.4 milyon ang halaga ng mga ito.

Nasa 19 katao naman kabilang ang dalawang menor-de-edad ang naaresto dahil sa mga iligal na paputok.

Napag-alaman din kay Fajardo na 80 ang firecracker-related injuries dahil sa boga.

--Ads--

Ang boga ay improvised cannon na gawa sa PVC pipes ay ginagamitan ng  denatured alcohol.

Higit 7,000 boga naman ang nakumpiska na ng PNP.

Nakapagtala rin ng 15 kaso ng indiscriminate discharge of firearms ang PNP kung saan apat ang sugatan dahil sa indiscriminate firing at isa sa stray bullet.