--Ads--

Sinimulan na ang main trial sa malversation case ni dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. at kaniyang mga kapwa akusado sa Sandiganbayan ngayong Martes, Mayo 5.

Ang kaso na non-bailable ay nag-ugat sa umano’y ghost flood control project sa Pandi, Bulacan na nagkakahalaga ng P92.8 million.

Ayon kay Associate Justice Ronald Moreno, pinagbigyan ng korte ang mosyon ng prosekusyon na i-recall si Jason Cruz, ang records custodian ng DPWH, para tumestigo.

Sinabi naman ni Prosecutor Maria Cristina Marallag-Batacan na iprepresenta ni Cruz ang isang logbook na naglalaman ng mahahalagang ebidensiya kaugnay sa mga proyekto.

--Ads--

Inaasahang mailalabas ang resolution sa bail peition ni Revilla bukas, Mayo 6.

Nauna na nang itinanggi ng dating Senador ang mga pagkaladkad sa kaniya sa maanomalyang proyekto.

Nauna na ring nakapag-piyansa si Revilla sa kasong graft subalit nananatiling nakakulong dahil sa non-bailable malversation case.