Pinabulaanan ng Malacañang ang ulat na umano’y hinarang at hinaras ang convoy ng isang tinukoy na “presidential son” sa North Luzon Expressway (NLEX) noong gabi ng Pebrero 21, 2026.
Batay sa impormasyong ibinahagi ng beteranong mamamahayag na si Nancy Carvajal, may tinatayang 15 lalaki umano ang bumaba mula sa isang convoy at nag-block sa dinaanan ng naturang convoy sa NLEX.
Ayon pa sa ulat, ang mas malaking convoy na sangkot sa insidente ay nakarehistro umano sa pamahalaang panlalawigan ng Bulacan. May mga pahayag din na posibleng may kaugnayan ang ilang opisyal ng lalawigan, kabilang si Daniel Fernando, bagaman wala pang opisyal na kumpirmasyon hinggil dito.
Samantala, itinanggi ng Presidential Communications Office (PCO) ang naturang ulat at iginiit na walang naganap na pangha-harass o paghaharang sa convoy.
Sa ngayon, wala pang inilalabas na karagdagang detalye ang mga kinauukulang ahensya hinggil sa insidente.
Patuloy namang hinihintay ang opisyal na pahayag ng mga sangkot na panig upang malinawan ang isyu.











