--Ads--
Nanawagan ang Malacañang kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa na harapin ang batas at huwag umiwas sa posibleng warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC).
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, kung walang kasalanan ang senador, wala itong dahilan upang umiwas sa proseso ng batas.
Bilang dating hepe ng Philippine National Police (PNP), batid umano ni dela Rosa ang wastong pagpapatupad ng batas kapag may inilalabas na warrant of arrest.
Giit pa ni Castro, dapat iwasan ang paglala ng tensyon at ang paggamit ng resources ng gobyerno tulad ng nangyari sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
--Ads--
Hindi rin aniya dapat kinukunsinti ang sinumang umiiwas sa pananagutan sa ilalim ng batas.











