--Ads--
Inaasahang muling tataas nang malaki ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo kasunod ng pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
Batay sa apat na araw ng kalakalan mula Agosto 11 hanggang 14, posibleng madagdagan ng ₱4.00 hanggang ₱5.00 kada litro ang diesel, ₱2.00 hanggang ₱3.00 kada litro ang gasolina, at ₱5.00 hanggang ₱6.00 kada litro ang kerosene.
Ayon sa datos, tumaas ng humigit-kumulang ₱5.10 kada litro ang diesel, ₱3.00 ang gasolina, at ₱5.20 ang kerosene sa international market sa loob ng nasabing panahon.
Kung magpapatuloy ang kasalukuyang trend sa presyo ng langis, inaasahang ipatutupad ng mga kumpanya ng langis ang panibagong oil price hike sa susunod na linggo.
--Ads--










