--Ads--
Nagbabala ang pinuno ng Africa Centres for Disease Control and Prevention na maaaring maging pinakamas-malalang outbreak sa kasaysayan ang kasalukuyang pagkalat ng Ebola virus disease sa Democratic Republic of the Congo.
Ayon kay Africa CDC Director-General Jean Kaseya, libo-libong close contacts ng mga nahawa ay hindi pa natutunton, kaya posibleng mabilis pang kumalat ang sakit.
Babala niya, kung hindi agad mapipigilan, maaaring mas lumala pa ito kaysa sa West Africa outbreak noong 2014–2016 na kumitil ng mahigit 11,000 buhay, at sa mas maliit na outbreak sa Congo noong 2018.
Nanawagan ang mga opisyal ng mas mabilis na contact tracing at mas mahigpit na pagtugon upang maiwasan ang malawakang pagkalat ng sakit.
--Ads--











