--Ads--

Nasa higit ₱210 bilyon o $3.4 bilyon na halaga ng pamumuhunan mula sa mga Japanese businessman ang na-secure ng Pilipinas kasabay ng state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Japan.

Nakuha ang mga investment commitment sa isang high-level business roundtable sa Tokyo kung saan personal na nakipagpulong ang Pangulo sa mga Japanese investors.

Tinutukan ng mga pamumuhunan ang manufacturing, renewable energy, turismo, imprastraktura, at iba pang sektor na inaasahang magbubukas ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.

Ayon sa Department of Trade and Industry, layunin ng Pilipinas na maging sentro ng smart manufacturing at green investments sa ASEAN, habang nakikita rin ng Japan ang malaking potensyal ng bansa sa tourism at hospitality sector.

--Ads--

Kabilang sa mga kumpanyang Hapon na patuloy na namumuhunan sa Pilipinas ang All Nippon Airways, Toyota, Mitsubishi Corporation, Marubeni, Panasonic, at Fast Retailing.

Nagpasalamat si Pangulong Marcos sa patuloy na tiwala ng mga Japanese investor sa ekonomiya ng bansa at sa ambag nito sa paglikha ng trabaho para sa mga Pilipino.