--Ads--

Sinimulan na sa California ang paglilitis laban sa Meta matapos akusahan ang kumpanya na sadyang hinikayat ang mga bata at teenager na patuloy na gumamit ng Facebook at Instagram.

Ayon sa mga abogado ng 29 na estado sa US, alam umano ng Meta ang posibleng masamang epekto ng mga platform nito sa mental health ng mga kabataan ngunit hindi nito sapat na napigilan ang paggamit ng mga batang wala pang 13 taong gulang.

Itinanggi naman ng Meta ang mga alegasyon at iginiit na walang sapat na ebidensiyang nagpapatunay na nakaaadik ang social media. Sinabi rin ng kumpanya na marami sa mga kabataan ang may positibong karanasan sa paggamit ng kanilang platforms.

Humihingi ang mga estado ng bilyun-bilyong dolyar na danyos at pagbabago sa ilang feature ng Facebook at Instagram, kabilang ang like counts at infinite scroll.

--Ads--