--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakabalik sa kanilang bahay ang mga residenteng lumikas dahil sa Methane Gas leak sa Magsaysay Hills, Bambang, Nueva Vizcaya.

Una nang napaulat sa Bombo Radyo na nasawi ang apat na katao matapos malason sa sumingaw na Methane Gas mula sa ginawagawa nilang balon sa nasabing barangay.

Dahil sa panganib na dala ng nasabing chemical compound kung kayat kinailangang ilikas ang nasa labing-apat na pamilya o  animnapung indibiduwal malapit sa lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Executive Assistant Ronnie Rivera ng LGU Bambang, sinabi niya na matapos magnegatibo sa Methane Gas ang mga isinagawang testing sa nasabing balon ay pinayagan na ring makauwi ang mga lumikas.

--Ads--

Namahagi na rin sila ng tulong sa mga lumikas at sa mga pamilya ng mga nasawi.

Napagpasyahan na rin ng LGU Bambang na patabunan ang hinukay na balon at maglaan nalang ng proyekto upang mabigyan ng mapagkukunan ng malinis na tubig ang mga residente sa nasabing barangay.