Sinira ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO) ang isang malawak na taniman ng marijuana sa Sitio Dangi, Brgy. Kimbutan, Dupax del Sur noong Abril 15, 2026.
Ayon sa pulisya, may lawak na tinatayang 3,000 square meters ang plantasyon na nadiskubre matapos ang intelligence validation at 12 araw na surveillance operation sa lugar.
Sa isinagawang joint operation kasama ang PDEA, Philippine Army, at iba pang yunit ng PNP, natunton at winasak ang aabot sa 45,000 fully grown marijuana plants na tinatayang nagkakahalaga ng ₱9 milyon.
Isinagawa ang operasyon matapos ang koordinasyon ng mga awtoridad at lokal na opisyal, sa kabila ng mahirap na terrain at limitadong komunikasyon sa lugar.
Walang naarestong suspek dahil hindi naabutan ang mga nagtatanim, ngunit narekober at isinailalim sa forensic examination ang ilang sample ng halaman para sa karagdagang imbestigasyon.











