--Ads--

Ipinrisinta ni House private prosecutor Atty. Lorna Kapunan sa impeachment court ang mga acknowledgment receipt na nagpapakita ng mga indibidwal na umano’y tumanggap ng confidential funds mula sa Office of the Vice President (OVP).

Kabilang sa mga nakasaad sa mga dokumento sina Heart Santiago na tumanggap ng ₱250,000; Feonna Villegas, ₱500,000; Beth Revilla, ₱50,000; Clarisse Hontivero, ₱500,000; Jose Diokno Jr., ₱120,000; Diane Maple Lapid, ₱150,000; John A. Lapid Jr., ₱350,000; Ralph Josh Bacon, ₱150,000; at Anne Ongpauco, ₱50,000.

Inilabas din ang List of Activities na nakalakip bilang attachment para sa mga dokumentong nagpapatunay sa tagumpay ng information gathering at surveillance activities, na requirement kapag may payment of rewards.

Kasama ang Christmas party at Appreciation Night sa pumasok sa nasabing listahan.

--Ads--

Sa kabuuan, umabot sa ₱2.12 milyon ang halaga ng mga reward payment na nakasaad sa mga acknowledgment receipt na iniharap sa paglilitis.