--Ads--


Hindi na umabot pa ng buhay sa pagamutan ang isang 10-anyos na batang babae matapos siyang malunod habang naliligo sa Mapalyao Falls sa Quezon, Nueva Vizcaya.

Ang biktima ay grade 4 pupil na residente ng Brgy. Quezon, Solano, Nueva Vizcaya.

Batay sa mga otoridad nagtungo ang pamilya ng bata sa falls upang magpicnic.

Ayon sa ulat ng Solano Police Station, bandang alas 3:45 ng hapon nang mapansin ng mga kapamilya na nawawala ang biktima kung kaya’t agad humingi ng tulong at sumisid sa tubig ang isang tiyuhin at concern citizen.

--Ads--


Nahanap ang biktima sa malalim na bahagi ng falls bandang alas kwatro na ng hapon, isinugod pa ang biktima sa pagamutan sa bayan ng Solano subalit idineklarang dead on arrival ng attending physician.