--Ads--

CAUAYANA CITY- Arestado ang tinaguriang Number 7 Most Wanted Person sa Regional Level na mayroon kasong Staturory Rape sa  Purok 4 Brgy. District 3, Cauayan City, Isabela.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Isabela Police Provincial Office kinilala ang suspek na si alyas “Makoy” na nahaharap sa 2 counts ng Staturory Rape.

Sa pangunguna ng Cauayan City Police Station katuwang ang PIDMU-IPPO, PIU-IPO at 2nd IPMFC sa bisa ng Mandamiento De Aresto para sa kasong nabanggit na walang nirerekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Dinala sa himpilan ng Cauayan City Police Station para sa dokumentasyon at naaayong disposisyon bago iturn-over sa korteng pinagmulan.

--Ads--