--Ads--

Ipingataka ng isang Political Analyst ang tila panghihimasok ng Ombudsman sa kaso ni Senator Ronald Bato Dela Rosa sa International Criminal Court na may kaugnayan umano sa Crime Against Humanity.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Michael Henry Yusingco, sinabi niya na tila nakakapagtaka ang pag-epal parin ni Ombusdman Rermulla sa ICCwarrant laban kay Senator Ronald Bato Dela Rosa.

Aniya, ang ginagawang ito ni Remulla ay isang uri ng politicizing ng issue dahil hindi naman trabaho ng Ombudsman ang manghimasok sa mga kasong may kaugnayan sa Crimes Against Humanity dahil tanging kargo ng Ombudsman ay corruption cases.

Hindi rin aniya malinaw ngayon kung ao ba talaga ang motibo sa nasbaing ICC arrest warrant dahil mismong ICC ay itinanggi na ang naturang uasapin gayundin ang DOJ gayunman kailangan parin itong bantayan dahil posibleng magkaroon ng mabilisang pag aresto.

--Ads--