--Ads--

Itinakda ng Senate impeachment court sa Setyembre 23, 2026 ang oral arguments ng prosecution at defense kaugnay ng 16-vote threshold para mahatulan si Vice President Sara Duterte sa impeachment trial.

Kasunod ito ng manifestation ni Senator-Judge Erwin Tulfo na humihingi ng paglilinaw sa voting threshold, lalo na’t apat na senator-judge ang kasalukuyang hindi dumadalo sa paglilitis.

Kabilang dito sina Senators Jinggoy Estrada at Rodante Marcoleta na nasa kustodiya kaugnay ng magkahiwalay na kasong plunder, Senator Ronald “Bato” dela Rosa na nagtatago dahil sa arrest warrant ng International Criminal Court, at Senator Loren Legarda na nasa abroad dahil sa health concerns.

Ayon kay Presiding Officer Francis “Chiz” Escudero, pagdinigang muli ng impeachment court ang usapin matapos itong konsultahin sa mga senator-judge at counsels.

--Ads--

Sa Setyembre 16, maririnig muna ng korte ang posisyon ng mga amici curiae o mga kaibigang tagapayo ng korte. Isang linggo matapos nito, magsasagawa ng oral arguments ang prosecution at defense, na bibigyan ng tig-15 minuto upang ilahad ang kanilang posisyon.

Boto rin ng mga senator-judge sa Setyembre 23 ang magiging batayan sa usapin ng voting threshold.

Sa simula ng impeachment trial noong Hulyo 6, nagpasya si Escudero na kailangan ng 16 na boto upang ma-convict si Duterte, batay sa probisyon ng 1987 Constitution na nangangailangan ng two-thirds vote ng lahat ng miyembro ng Senado.