--Ads--

Nauwi sa madugong insidente ang isang inuman matapos saksakin ang isang drayber ng kanyang nakainuman pasado alas-12:00 ng hatinggabi ngayong araw, February 22 sa Barangay Buenavista, Santiago City.

‎Kinilala ang biktima sa alyas na Timo, 33-anyos at residente ng San Mateo, Isabela.

--Ads--

‎Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nagkaroon umano ng mainit na pagtatalo ang biktima at ang suspek habang nasa kalagitnaan ng inuman.

‎Sa gitna ng komosyon, umano’y bumunot ng bolo ang suspek na kinilalang si alyas kokoy, 44-anyos at residente ng San Mariano, Isabela, at sinaksak ang biktima sa kanang hita.

‎Agad na dinala sa ospital ang biktima at kasalukuyang nagpapagaling matapos magtamo ng tama ng saksak. Narekober naman sa pinangyarihan ng insidente ang bolo na hinihinalang ginamit sa krimen.

‎Mabilis na rumesponde ang mga pulis at naaresto ang suspek.

‎Sa kasalukuyan, nasa kostudiya na Ng Pulisya ang suspek at mahaharap sa kasong Frustrated Murder.

‎Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang buong detalye at ugat ng insidente.