--Ads--

Kinoronahan bilang Bb. Santiago 2025 ang pambato ng Brgy. Centro East na si Bb. Zakaree Zea Bouffard sa ginanap na Binibining Santiago 2025 Coronation Night kagabi sa Santiago Sports Arena.

Tinanghal naman bilang Bb. Turismo 2025 ang pambato ng Brgy. Mabini na si Bb. Novelyn Balagtas habang Bb. Sining at Kultura 2025 naman ang nakuha ng pambato ng Brgy. Malvar na si Bb. Charmaine Angel Laco.

Naiuwi naman ni Bb. Sophia Julien Almazan ng Brgy. Dubinan East ang Bb. Kalikasan 2025

Nagsilbing host naman sina Beauty queen Catriona Gray at TV host na si Robi Domingo.

--Ads--

Ang nasabing patimpalak pagandahan ay bahagi ng 31st Cityhood Founding Anniversary Celebration ng Lungsod ng Santiago at ng 2025 Balamban Dance Festival.