--Ads--

Dumating na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos sa Newark Liberty International Airport nitong Linggo para sa serye ng mahahalagang aktibidad sa United Nations.

Nitong Lunes ihahatid niya ang opisyal na pahayag ng Pilipinas sa ika-70 sesyon ng Commission on the Status of Women, kung saan inaasahang tatalakayin ang mga isyu hinggil sa gender equality at karapatan ng kababaihan.

Habang inaasahan ring magbibigay siya ng talumpati sa isang espesyal na plenary meeting ng UN.

Sa naturang pagtitipon, inaasahang hihingi siya ng karagdagang suporta para sa kandidatura ng Pilipinas bilang non-permanent member ng UN Security Council.

--Ads--

Ang pagbisita ni Pangulong Marcos ay nakikita bilang mahalagang hakbang upang palakasin ang posisyon ng bansa sa pandaigdigang larangan, lalo na sa usapin ng gender equality at pandaigdigang seguridad.