Isinusulong ng Gender and Development (GAD) ang pantay-pantay na access ng taumbayan sa mga serbisyo ng lokal na pamahalaan.
Sa naganap na sesyon ng lokal na mambabatas ng Cauayan, pinag-usapan ang isinasabatas na “equal access of human rights” at pantay na oportunidad at resources para sa mga kababaihan.
Sa naging pagpapahayag ni SP Garry Galutera, City Councilor, sinabi niya na ang Ordinance No. 2025 – 633 entitled “An Ordinance establishing an inclusive Client Engagement framework within the Local Government Unit of Cauayan City” ay naglalayon na maibigay ang pantay na serbisyo, resources, oportunidad, proteksyon, at fulfillment, para sa mga kababaihan, ito ay kaugnay sa RA 9710 o ang Magna Carta of Women.
Hindi naman ito nangangahulugan na hindi pahahalagahan ang karapatan at oportunidad para sa mga kalalakihan subalit binibigyan lamang ng importansya ang mga kababaihan para matanggal ang diskriminasyon.
Nais aniyang ipakita na sa lungsod ng Cauayan ay pantay-pantay ang mga lalaki at babae lalong lalo na sa kanilang trabaho.
Tinitiyak pa ng Gender and Development o GAD na hindi mahihirapan ang mga kababaihan sa pag apply ng trabaho sa mga public o private companies dahil sa ordinansang isinusulong.
Samantala, sa ngayon ay masugid pang pinag-aaralan ng konseho kung anong ipapataw na kaparusahan sa mga indibidwal o establisimyento na patuloy na idi-discriminate ang taumbayan partikular na lamang ang mga kababaihan.