--Ads--
Iminungkahi ni US President Donald Trump na maaaring maipagpatuloy ngayong linggo ang usapang pangkapayapaan para wakasan ang digmaan sa Iran, matapos mabigo ang negosasyon noong weekend na nauwi sa US blockade ng mga pantalan ng Iran.
Ayon sa ulat, wala pang barkong nakatawid sa blockade sa unang 24 oras ng operasyon, habang nananatiling mataas ang tensyon sa rehiyon at may agam-agam sa umiiral na ceasefire na malapit nang magtapos.
Wala pang pahayag ang Iran, ngunit sinabi ng UN na malaki ang posibilidad na maipagpatuloy ang negosasyon. Samantala, bumaba ang presyo ng langis sa ilalim ng $100 dahil sa pag-asa ng muling pag-uusap.











