--Ads--

Ipinaliwanag ng isang Abogado ang dahilan kung bakit ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ng isang guro na humihiling na ideklarang legal ang sesyon ng Senado noong Hunyo 3.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Randy Arreola, Law Professor, sinabi niya na walang ‘locus standi’ o walang legal standing si Barry Tayam, ang guro na naghain ng petisyon kaya hindi ito tinanggap ng kataas-taasang Hukuman.

Aniya, wala kasing direktang epekto kay Tayam ang naturang isyu at hindi naipakita ng maayos ang direktang kaugnayan nito sa naturang usapin.

Sa naturang petisyon, tila may pinanigan din ang guro sa panig ng dalawang grupo Senado. Mas mainam aniya kung kinuwestiyon na lamang nito kung sino ba talaga kina Senator Sherwin Gatchalian at Senator Alan Peter Cayetano ang tunay na Pangulo ng Senado. Nilinaw naman ni Atty. Arreola na walang sinabi ang Korte Suprema na hindi dapat kilalanin ang Gatchalian Bloc bilang Senate Majority, bagkus, ibinasura lamang ang petisyon dahil sa kawalan ng locus standi ng petitioner.

--Ads--