Patuloy na minomonitor ng PhilHealth Insurance Corporation ang anim na Yakap Clinics sa lungsod ng Santiago upang matiyak ang maayos na paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa mga miyembro nito.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan Kay Ginoong Samuel Morillo, sinabi nito na mahalaga ang mahigpit na pagbabantay sa mga pasilidad dahil sa lawak ng Santiago City at dami ng pagpipilian ng mga residente pagdating sa serbisyong medikal.
Dagdag pa ni Morillo, tuloy-tuloy ang isinasagawang monitoring ng PhilHealth sa mga accredited facilities upang masiguro ang kalidad ng serbisyo at maayos na implementasyon ng mga programa para sa kalusugan.
Aniya, Wala namang iniulat na anumang paglabag o kakulangan sa mga nasabing klinika sa kasalukuyan.
Hinihikayat ng PhilHealth ang publiko na manatiling aktibong miyembro at gumamit lamang ng mga accredited health facilities upang masigurong makatatanggap ng dekalidad at maaasahang serbisyong medikal.











