Lumawak ng 34.9% ang trade deficit ng Pilipinas noong Hulyo dahil patuloy na mataas ang pag-angkat ng electronic components sa kabila ng pagtaas ng exports ng electronics.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, umabot sa $5.97 bilyon ang trade gap noong Hulyo, habang nasa $37.34 bilyon naman ang kabuuang trade deficit mula Enero hanggang Hulyo, o 29% mas mataas kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Samantala, tumaas ng 10.8% ang exports sa $8.15 bilyon, kung saan $4.79 bilyon dito ay mula sa electronic products.
Gayunman, sumirit naman ng 140% ang imports ng electronic components sa $2.2 bilyon, habang umabot sa $14.12 bilyon ang kabuuang imports noong Hulyo.Ayon sa pag-aaral, ipinapakita nito ang malaking pagdepende ng electronics industry sa imported components, kaya’t nananatiling malaki ang trade deficit ng bansa.











