--Ads--

Posibleng pumalo sa pagitan ng 5.6 hanggang 6.6 % ang inflation rate ng bansa ngayong Hulyo dahil sa mataas na presyo ng langis, kuryente at paghina ng piso, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sinabi ng BSP na maaaring nagtulak pataas sa presyo ng mga bilihin ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, mas mataas na singil sa kuryente, pagmahal ng isda at ang paghina ng piso laban sa dolyar.

Gayunman, sinabi ng central bank na maaaring nabawasan ang epekto nito dahil sa mas mababang presyo ng ilang pangunahing pagkain gaya ng bigas, karne, gulay at prutas.

Kung aabot sa pinakamataas na pagtataya na 6.6 % ang inflation, mas mataas ito kumpara sa 6.4 %  naitala noong Hunyo at higit pa rin sa 3 % target ng BSP.Dahil dito, tiniyak ng BSP na patuloy nitong babantayan ang galaw ng inflation at ekonomiya ng bansa, kabilang ang epekto ng patuloy na tensyon sa Gitnang Silangan sa presyo ng langis at iba pang produkto.

--Ads--