CAUAYAN CITY- Aabot sa 4.3 million pesos na Tobacco Excise tax ang inaasahang maipapamahagi na sa mga tobacco farmers sa Cauayan City sa susunod na buwan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Beatrice Baquiran, Pangulo ng tobacco farmers Association ng Cauayan City na 65 tobacco farmer ang nakatanggap ng tig-Php5,000.00.
Bagamat nakatanggap na sila ng tulong pinansiyal ay hinihintay pa nila ang ipinangakong isang baka,isang baboy at Php40,000.00 na kapakinabangan mula sa 4.3 million pesos na tobacco excise tax.
Nagpapatuloy anyang dumarami ang mga nagtatanim ng tabako sa Cauayan City dahil sa panibagong proyekto ng universal leaf na broad leaf kung saan mahigit isang daang ektariya ng lupain ang kanilang tatamnan.
Tiniyak naman ng City Agriculture Affice na ang natanggap ng mga tobacco farmers na Php5,000.00 lamang ng pondo na nagmula sa pamahalaang lunsod.