--Ads--
Nanatiling mataas ang inflationary pressure sa Pilipinas, na maaaring makaapekto sa magiging direksyon ng monetary policy ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP at sa kondisyon ng negosyo sa bansa.
Ayon sa United Overseas Bank o UOB, kabilang ang Pilipinas sa may pinakamatinding inflationary pressures sa Asya, kasunod ng Vietnam at bago ang Taiwan, batay sa tatlong-buwang moving average.
Bagama’t bumagal sa 6.2% ang inflation noong Hulyo, nananatili itong higit sa 4% upper limit ng target range ng BSP.
Dahil dito, inaasahang magiging mahalaga ang galaw ng presyo ng langis at foreign exchange sa susunod na mga hakbang ng BSP.
--Ads--










