Maaaring humina ang piso hanggang ₱65 kada dolyar sa loob ng susunod na tatlong taon kung hindi agad makakakilos ang gobyerno laban sa tumitinding global tensions, ayon kay economist Jonathan Ravelas.
Aniya, ang lumalaking current account deficit, mataas na presyo ng enerhiya, at tensyon sa pagitan ng US at Iran ay maaaring magdulot ng dagdag na pressure sa piso, na posibleng pumalo sa ₱61 hanggang ₱65 kada dolyar.
Bagamat kinilala niya ang mga hakbang ng Bangko Sentral ng Pilipinas, sinabi ni Ravelas na maaaring mapilitan itong magtaas ng interest rates hanggang pito hanggang walong porsyento upang mapigilan ang inflation at paghina ng piso.
Babala rin niya na maaaring bumagal ang economic growth habang posibleng umakyat ang inflation sa walo hanggang siyam na porsyento bago matapos ang taon.











