--Ads--

Patuloy ang paghina ng halaga ng piso kontra dolyar sa ikalawang sunod na araw, sa panibagong record low.

Ayon sa datos ng Bankers Association of the Philippines, sumadsad sa ₱61.72 ang piso kada dolyar nitong Biyernes, mas mababa kumpara sa dating record na ₱61.64 na naitala isang araw bago nito. Umabot pa sa ₱61.73 ang intraday low bago bahagyang bumawi sa pagsasara.

Itinuturo ang pagbaba sa patuloy na mataas na inflation sa Estados Unidos na nagpalakas sa paniniwala na mananatiling mataas ang interest rates ng US Federal Reserve, na nagpapahina sa gana ng mga investors sa emerging markets.

Bumaba rin ang trading volume sa $1.119 bilyon mula $1.58 bilyon noong nakaraang araw, habang nananatiling sensitibo ang merkado sa lokal na economic outlook.

--Ads--

Inaasahan naman ang posibleng interbensyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas upang pigilan ang matinding volatility sa palitan ng pera.