--Ads--

Inihayag ng mga awtoridad nitong Biyernes na handa na silang isilbi ang warrant of arrest laban kay Senator Rodante Marcoleta sa oras na ilabas ito ng Sandiganbayan.

Inilatag na Philippine National Police (PNP) ang kanilang protocol at sistema para sa posibleng pag-aresto sa senador.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Colonel Allen Rae Co, kung sakaling ilabas ang warrant habang nasa loob ng Senado si Marcoleta, makikipag-ugnayan muna ang mga awtoridad sa pamunuan ng Senado.


Nitong Biyernes, pormal nang isinampa ng Office of the Ombudsman ang kasong plunder laban kay Marcoleta sa Sandiganbayan. Ito ay kaugnay ng P75 milyong campaign contributions na natanggap niya noong 2025 senatorial elections na hindi umano idineklara sa kanyang Statement of Campaign Expenditures (SOCE).

--Ads--

Batay sa mga nakaraang pag-aresto sa mga kilalang personalidad, ang PNP Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang nakatalagang magsilbi ng mga ganitong uri ng warrant.

Sinabi naman ni Secretary of the Interior and Local Government Jonvic Remulla na hintayin muna ang opisyal na arrest warrant mula sa anti-graft court.