--Ads--

Mariing kinondena ng Philippine National Police (PNP) ang walang saysay at duwag na pag-ambush laban sa kanilang mga tauhan sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur noong gabi ng Marso 28, 2026.

Matatandaang tinambangan ng mga hindi pa nakikilalang armadong suspek ang mga miyembro ng 2nd Provincial Mobile Force Company habang pauwi mula sa kanilang detachment matapos magsagawa ng patrol at police visibility operations kung saan limang (5) pulis ang nasawi, habang tatlo (3) ang sugatan at kasalukuyang ginagamot sa ospital.


Itinuturing ng PNP ang insidente bilang tahas na pag-atake sa batas at banta sa kapayapaan at kaayusan.

Dahil sa insidente agad na inilunsad ang mas pinaigting na hot pursuit operations katuwang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) upang matukoy at maaresto ang mga salarin.

--Ads--

Nagpahayag ng pakikiramay ang PNP sa pamilya ng mga nasawing pulis at tiniyak na hindi malilimutan ang kanilang tapang at sakripisyo.


“Hindi kami matitinag. Ang pag-atakeng ito ay hindi palalampasin. Ang hustisya ay magiging mabilis, tiyak, at walang kompromiso.”