--Ads--

Patuloy na pinaiigting ng Roxas Municipal Police Station ang police visibility sa bayan ng Roxas, Isabela upang mapanatili ang peace and order sa kanilang nasasakupan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Manuel Bulanadi, Admin Officer ng PNP Roxas , sinabi nito na bagama’t mga petty crimes lamang ang madalas na naitatala sa bayan ng Roxas ay tinitiyak pa rin nila na maayos na naipatutupad ang mga programa ng kanilang himpilan upang mabawasan ang mga ito.
Kabilang sa mga madalas maitalang mga insidente ay ang mga gulong kinasasangkutran ng mga lasing, paglabag sa curfew at batas trapiko.

Maigting din ang kanilang pagbabantay sa mga kakalsadahan pangunahin na sa pambansang lansangan upang mapaalalahanan ang mga motorista na mag-ingat at sumunod sa batas trapiko lalo na at mahaba ang stretch ng national highway na nasasakupan ng Roxas na aniya ay umaabot ng 11 kilometers mula barangay San Antonio hanggang barangay San Pedro na may 52 intersections.

Ayon kay PCapt. Bulanadi, noong Disyembre 2025 ay naideklara nang drug-cleared municipality ang bayan ng Roxas at nito lamang Setyembre 5, 2026 ay muling naaprubahan ang pagiging drug-free workplace status ng Roxas PNP sa pangatlong magkakasunod na taon.

--Ads--

Gayunpaman, tuloy-tuloy pa rin ang kanilang pakikipag-ugnayan sa barangay at komunidad upang tuluyan nang masugpo ang ilegal na droga sa naturang bayan na nagresulta sa pagkakadakip sa 4 indibidwal dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, dahil sa mga naitalang insidente ng karahasan sa bansa kamakailan, nagdeploy ang Roxas Police Station ng mga personnel sa mga paaralan katuwang ang Public Order and Safety Unit, barangay officials, at mga tanod upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral at guro.

Nakikipag-ugnayan din sila sa mga paaralan na dagdagan ang mga security personnel upang matutukan ng husto ang seguridad sa loob at labas ng paaralan.

Maliban dito ay nagsasagawa rin sila ng simulation exercise sa mga paaaralan, maging ang seminar na tumatalakay sa mahahalang isyu gaya na lamang ng illegal drugs, cybercrime prevention at iba pang mga usapin concerning ang mga kabataan nang sa ganoon ay mabigyan sila ng sapat na kaalaman at kamalayan na makatutulong upang sila’y makaiwas sa ilegal na mga gawain.