--Ads--
Naitala ng Strong Group-Pilipinas ang ikalawang sunod nitong panalo matapos manaig kontra Chinese-Taipei Blue, 97-78, sa pagpapatuloy ng 45th William Jones Cup.
Nanguna sa opensa ng Philippine squad sina Isaiah Piñeiro at Tajuan Agee na kapwa nagtala ng tig-19 na puntos upang sandigan ang panibagong tagumpay ng koponan.
Maliban kina Piñeiro at Agee, lima sa mga manlalaro ng Strong Group-Pilipinas ang nagtapos sa double-digit scoring, na naging susi upang mapanatili nila ang kontrol sa malaking bahagi ng laban.
Sa kanilang ikalawang sunod na panalo, pinatatag pa ng Strong Group-Pilipinas ang kampanya nito sa torneo habang hangad na maipagpatuloy ang magandang takbo sa mga susunod na laro.
--Ads--





