--Ads--

Inihayag ni Zamboanga City Mayor Khymer Adan Olaso na posibleng may kaugnayan sa pressure sa grades at depression ang naging motibo ng Grade 8 student na sangkot sa pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University nitong Martes.

Sinabi ng alkalde na honor student umano ang suspek ngunit nakararanas ng pressure sa pagtaas ng grades at tila nais umanong gantihan ang isang guro.

Ayon pa kay Olaso, hindi natamaan ng suspek ang unang guro na pinaputukan nito kaya lumipat ito sa ibang classroom at nagpaputok sa iba pang estudyante.

Dalawang estudyante ang nasawi habang anim ang iniulat na nasugatan. Karamihan sa mga nasugatan ay nagtamo umano ng pinsala habang tumatakas sa insidente.

--Ads--

Sinisilip din ng mga awtoridad ang posibleng security lapses matapos umanong makapasok ang suspek sa campus na may dalang dalawang baril.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente, habang nagkansela ng klase ang paaralan at nagsagawa ng day of mourning para sa mga biktima.