--Ads--
Sumirit ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado matapos tanggihan ni Pangulong Donald Trump ang tugon ng Iran sa peace proposal ng Estados Unidos, na nagpalala sa pangamba ng mas mahabang sigalot sa Gitnang Silangan.
Ipinanawagan ng Iran ang pagtatapos ng digmaan, pagbawi ng sanctions, at iba pang kondisyon, ngunit agad itong ibinasura ni Trump.
Dahil dito, tumaas ng $3 kada bariles ang langis habang nananatiling apektado ang suplay sa Strait of Hormuz, isang mahalagang ruta ng pandaigdigang kalakalan ng langis.











