--Ads--
Posibleng muling tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa ikalawang linggo ng Setyembre batay sa galaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
Batay sa monitoring ng industriya, umabot na sa P5.10 kada litro ang posibleng dagdag-presyo sa diesel, P4.40 kada litro sa gasolina, at P5.05 kada litro naman sa kerosene.
Ayon sa mga industry player, patuloy na nagtutulak pataas sa presyo ng langis ang umiiral na tensyon sa Middle East at ang paghina ng piso laban sa dolyar.
Dahil dito, inaasahang mararamdaman ng mga motorista at iba pang consumers ang panibagong pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa mga susunod na araw.
--Ads--










