--Ads--

CAUAYAN CITY- Pinasok ng tubig ang Pribadong Pamilihan sa Lungsod ng Cauayan matapos ang naranasang malakas na pag-ulan kagabi.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginang Julia Esteban sinabi niya na kahapon nang hapon nagsimulang pasukin ng tubig ang kanilang pwesto.

Aniya na kaninang umaga sa palengke ay mayroon parin ang tubig baha at nabasa rin umano ang ilan nilang paninda.

Winawalis at tinatanggal na lamang umano nila ang mga tubig upang kahit papaano ay matuyo ang kanilang mga pwesto.

--Ads--

Hindi naman ito ang unang pagakakataon na binaha sila sa palengke dahil mas malala pa umano noong unang beses dahil mas mataas ang tubig.

Dahil dito ay nanawagan ang mga nagtitinda sa pribadong pamilihan na sana ay  malinis at maisaayos na ang mga drainage canal upang hindi mabarahan na kadalasang nagiging sanhi ng baha.