--Ads--

CAUAYAN CITY – Maglalaan ng dalawampo hanggang tatlumpong milyong piso ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela para sa pambili ng mga produktong mais ng mga marginalized farmers na naapektuhan ng tagtuyot.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Gov. Rodito Albano na pinulong na nila ang mga Municapal Agriculturist at City Agriculturist na tutukoy sa mga marginalized farmers na hindi hihigit sa dalawang ektarya ang sakahan.

Isang piso at limampong sentimo sa kada kilo ang ayuda na ipagkakaloob ng pamahalaang panlalawigan sa mga marginalized farmers.

Sinabi ni Gov. Albano na ang mga magbebenta pa lamang ngayon ng mais ang mabibigyan ng tulong at hindi ang mga nakapagbenta na.

--Ads--

Tutukuyin pa nila ang mga bibili sa mga produktong mais ng mga marginalized farmers.

Nanawagan din siya sa mga marginalized farmers na hindi mapipili at mabigyan ng nasabing kapakinabangan na makipag-ugnayan lamang sa pamahalaang panlalawigan.

Tinig ni Gov. Rodito Albano.