--Ads--

Image result for maddela police station(UPDATE) CAUAYAN CITY – Kumpirmado na isang pulis ang nasawi sa pagsalakay ng New People’s Army (NPA) sa Maddela Police Station sa Quirino Province.

Nabatid na dead on arrival sa Maddela District Hospital ang pulis na si PO2 Jerome Cardenas.

Na-rescue naman ang dalawang pulis na unang napabalita na dinukot umano ng rebeldeng grupo.

Pero nililinaw naman ng NPA na hindi nila dinukot ang naturang mga pulis.

--Ads--

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, tinatayang nasa 50 armadong kalalakihan na nakasakay ng van at elf truck ang nagsagawa ng nasabing pagsalakay.

Bakas sa naturang himpilan ang palitan ng putok kung saan makikita ang mga tama ng bala ng baril sa dingding at mga bintana nito.

Sa nasabing pagsalakay, kinuha ng mga rebelde ang 13 armas, mga bala at iba’t ibang mahahalagang kagamitan ng mga pulis.

Nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) hinggil sa naturang pangyayari.