--Ads--

CAUAYAN CITY Nasa 67 ang pasyenteng nakaadmit sa Region 2 Trauma and Medical Center o R2TMC.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Danilo Alejandro, sinabi niya na sa 67 pasyente ay 15 ang positibo sa COVID-19.

Dalawa sa mga positibong pasyente ang naka-intubate, tatlo ang naka oxygen at karamihan ay bumubuti na ang kalagayan.

Aniya, maraming pasyente ngayon ang R2TMC kaya napipilitan na ang ospital na pagsamahin sa mga ward ang mga pasyente kahit magkaiba ang kanilang klasipikasyon.

--Ads--

Hindi na kasi makontrol ang mga dumarating na mga pasyente kaya naghihigpit na lamang sila sa mga protocols upang maiwasan ang hawaan sa loob.

Aniya, dati ay mga mild at serious cases lamang ang tinatanggap ng ospital pero sa mga nakaraang linggo ay dumami ang pasyente nila dahil kahit mild lamang ang nakikitang sintomas sa pasyente ay agad na dinadala sa R2TMC.

Tinig ni Dr. Danilo Alejandro.